Sunday, October 11, 2009

LAST FULL SHOW

Last show na ng "Sa North Diversion Road"


Special Show for the friends of the Cast and Crew and friends of ACASIA.
Pay as you see Fit. Magdala kayo ng maraming pera dahil mamamangha kayo sa play na ito. pramis.
Oct. 14, Wednesday 6:30pm
6 Underground, Pearl Drive

Oct. 16, Friday - SOLD OUT!!!

So kung hindi mo pa napapanood, hanapin mo na si Paris.

Friday, October 9, 2009

SHOW SCHEDULES

Tonight's show is cancelled due to a scheduled black out in Ortigas. Were moving it to Wednesday next week. October 14, 2009. And were adding another show on Friday next week, Oct 16, 2009.
For more details please contact 0917 500 2947 or 0905 314 2606.
Thanks!

Monday, September 21, 2009

Php 100 DISCOUNT!!!


Php 175 na lang ang TICKET! Just present your
STUDENT ID!

(oo, student discount. discount para sa estudyante lang. sa nag-aaral pa. )

Mauubos na ang ticket. 40 seats lang per show.

Meron ngayong WEDNESDAY, FRIDAY, at SATURDAY.




Paano magpareserve:

1. Mag-email ka kay Paris.
2. Magdeposit ka ng bayad mo sa:
Banco de Oro Account Number: 4370020118 (Maria Carla Dionzon)
3. Hintayin ang reply na e-ticket.
4. Dalhin ang print-out ng e-ticket at transaction receipt ng bangko.

yun na! kitakits

Tuesday, September 15, 2009

Reservation Update as of SEPTEMBER 22, 2009

Limited 40 seats per show only!

Php 275 only
or
Php 200 only when reserving more than 20 tickets

RESERVE NOW!


Show Date # of seats reserved # of seats available
September 18, Friday
25
15
September 19, Saturday
28
12
September 23, Wednesday
10
30
September 25, Friday
15
25
September 26, Saturday
18 22
September 30, Wednesday
15
25
October 9, Friday
14
26
October 14, Wednesday
17
23
October 16, Friday
14
26

October 21, Wednesday
0
40

October 24, Saturday
0
40

October 28, Wednesday
0
40


*everyone can either claim their tickets from me personally prior to the show date OR
at the registration table up front during our show dates.
we open gates at 6pm*


Contact me for more details and reservations.
Leave me a message at: www.facebook.com/parislovesyou
OR text me at 0905 314 2606

Paris Silva
Public Relations Development Officer
Arts and Culture Asia, Inc.

Thursday, September 10, 2009

NOW SHOWING!



Sa North Diversion Road ni Tony Perez
"Sa lawak ng pag-ibig ko, baka maligaw ka lang."

@ 6UG, Pearl Drive, Ortigas center,Pasig city. 6:30pm

September 18, 19, 23, 25, 26, 30
October 9, 14, 16

Ticket Price: Php 275 includes free beer, or any mixed drink

contact me for more details and reservations.
Leave me a message at: www.facebook.com/parislovesyou

Paris Silva
Public Relations Development Officer
Arts and Culture Asia, Inc.

Tuesday, September 8, 2009

Malayo pa ba ang expressway?

“Eto ang best part ng trip, sa expressway. So smooth, so wide, ang liwa-liwanag.”

Malayo sa NLEX ang biyahe ng play na ito. Mula nang naisipan naming ito ang isadula, hanggang sa mga problemang naengkwentro namin sa biyahe, siguro, sa baku-bakong service road kami napadaan. Hanggang sa pagsusulat ko nitong ilang mga tala tungkol sa produksiyon, hindi pa kami nakakapasok sa expressway. Hindi pa naming nararating ang smooth, wide, at maliwanag na bahagi ng biyahe.

Maraming lubak, humps, kupal na driver, at mga pedestrian na hindi gumagamit ng overpass ang nasalubong namin sa aming paglalakbay. Noong una, napili namin ang dulang ito dahil akala nami’y madali lang ang “Sa North Diversion Road.” Tutal, dalawang artista lang ang kailangan. At lagi lang silang nakaupo sa kotse. Ngunit tulad ng kahit anong biyahe, marami kaming harang na nasalubong sa daan.

Anuman ang mga lubak na iyon, pilit naming nilalampasan at tinatandaan upang maging bahagi ng aming edukasyon sa teatro. At bawat araw ng aming ensayo, lalong humihirap ang biyahe. Hindi pala madali ang dulang ito. Kailan ba naging madali si Tony Perez? Napasubo ata kami. Pero tinanggap namin ang hamon ng dula ni Tony Perez. Hindi kami titigil hanggat hindi naming nabibigyang buhay ang drama sa diyalogo ng batikang mandudula.

.

“Sa lawak ng pag-ibig ko, baka maligaw ka lang…”

Una akong na-inlove sa mga gawa ni Tony Perez nang mabasa ko ang “Sierra Lakes.” Naging matagumpay ang aking unang pagtatangkang idirehe ito sa tulong ng dulaang ROC. Mula noon, kinulekta ko na ang mga gawa ni Tony Perez at sinubukan ko siyang gayahin sa aking mga sinusulat. Inspirasyon si Tony sa dalawang paborito kong isinulat—ang “Twenty Questions” at ang pinakabago kong dula, “Kapeng Barako Club: Samahan ng mga Bitter,” na kapwa ipalalabas sa darating na bagong taon. Iba ang karisma ng mga karakter at ang talim ng sagutan sa mga dula ni Tony Perez. At lalo kaming nagulantang sa bigat ng “Sa North Diversion Road.” Hindi siya pambata. Hindi siya pang-amateur. Hindi siya pang-bagito.

Bagaman ang temang tinatalakay ng dula ay tungkol sa pangangaliwa ng may-asawa, na malayo sa saklaw ng karanasan ko at ng aking mga artista, ang higit na tumawag sa aking atensiyon ay ang tema ng pag-ibig at pagpapatawad. Higit sa tema ng pangangaliwa, mas tumimo sa aking kamalayan ang diskusyon ni Tony Perez sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig at pagpapatawad. Hindi ko tiyak kung ito ang tesis ni Perez. Ngunit ito ang direksiyon ng biyaheng aming sinimulan. Ito ang basa namin sa mapa ng script. Walang kapatawaran, kung walang pag-ibig. Walang pag-ibig kung walang kapatawaran. Sa lahat ng uri ng relasyon, madaling itinatapon n gating mga bibig ang salitang pag-ibig ngunit bihira natin itong naiintindihan. Sa pagkakataon lamang na sinusubok ito ng mas malaking pag-ibig, ng pagtataksil, o ng kamatayan laman natin ganap na mabibigyang linaw ang konseptong ito. Dito lamang siya tunay na maiintindihan. At hanggat hindi natin nararanasan ang magpatawad sa kasalanan sa pag-ibig, hindi natin ito lubos na mauunawaan. Sa bahaging ito, nang malinaw namin ito sa aming pag-intindi ng malawak na haraya ni Tony, doon lamang kami nakalabas sa expressway. Sana nga’y tuluy-tuloy na ang biyahe. Sana’y makarating sa huling exit.

“Magkwento ka naman, Tony. Ano’ng iniisip mo?”

Ang dulang ito ay koleksiyon ng sampung diyalogo tungkol sa pag-ibig, pagtataksil, at kapatawaran. Higit sa lahat, ito ay pag-uusap ng dalawampung kaluluwa, pag-intindi sa dalawampung puso at isip. Higit sa lahat, ito ay pagtatalik ng dalawang kamalayan patungo sa dulo ng malawak na daan ng pag-ibig. Inaanyayahan tayo ng dulang itong makisama sa biyahe patungong hilaga, kung saan nakaturo ang lahat ng bagay—sa hilaga, sa true north, na destinasyon ng lahat…sa pag-ibig. Mararanasan lamang natin ang salimuot at luwalhati ng paglalakbay na ito sa pamamagitan ng pag-urirat sa isipan ng mga karakter, sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa kanila.

Kung gayon, maupo kayo’t magrelax. Mauupo rin sa harap ninyo ang mga tauhang likha ni Tony Perez. Kasama ng mga bumubuo ng ACASIA at ASTIG, uupo rin kami, tayo’y magkwentuhan habang bumibiyahe patungong hilaga…patungo sa pag-ibig.


Monday, September 7, 2009

"Sa Lawak ng Pag-ibig ko, baka maligaw ka lang..."

COMING THIS SEPTEMBER

From the producers of Twenty Questions comes another play that talks about love and its perpetual complexity. For its premiere theatre season, Arts and Culture Asia (ACASIA) and Alagad ng Sining, Talino, Imahinasyon, at Galing (ASTIG) will kick off this September with Tony Perez' Sa North Diversion Road, to be directed by X Vallez. One of the more popular plays of Perez, this piece tells of the intricacies of love, and how it can transcend people, commitment, and time. A study on infidelity and forgiveness, this play was adapted into film by Dennis Marasigan in 2005. The play is anthologized in the trilogy entitled Tatlong Paglalakbay (National Book Award for Drama), which is part of a 40-volume collection by Tony Perez.

For more information visit http://northdiversionroad.blogspot.com.

Saturday, August 29, 2009

Monday, August 24, 2009

North Diversion Road




"Sa lawak ng pag-ibig ko, baka maligaw ka lang..."
directed by Juan Ekis

COMING THIS SEPTEMBER

Thursday, August 13, 2009

NDR rehearsals


Ayan na.
Nag hahanda na sila.
Abangan nyo toh.
Malapit na!



Sunday, August 9, 2009

Pag-ibig at Galit

"... Alin ang mas mahalaga--ang katotohanan,
o ang wag kang masaktan? "

Please visit our site often to learn about more updates on
the upcoming play; North Diversion Road by Tony Perez

Tuesday, August 4, 2009

North Diversion Road Teaser Video

Please visit our site often to learn about more updates on
the upcoming play; North Diversion Road by Tony Perez

Thursday, July 30, 2009

"..and then this morning, sabi mo ikakasal na kayo. Alam mo..nasaktan ako."

"Sa lawak ng pag-ibig ko, baka maligaw ka lang..."

Abangan sa Agosto.